NAGA CITY- Inambush ang sinasakyang behikulo ni dating Congressman Rolando “Nonoy” Andaya habang papunta sa kontrobersyal na itatayong Iconic Capitol Building sa Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nangyari ang insidente bandang alas-7 ng umaga habang nakapark ang saksakyan ng dating kongresista malapit sa lugar kung saan itatayo ang nasabing gusali.
Dahil dito, nagtamo ng dalawang tama ng bala ang sinaksakyan ni Andaya habang maswerte naman na nakaligtas ang dating kongresista dahil na rin bullet proof umano ang kotse nito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag alaman na bibisita lamang sana si Andaya sa lugar para alamin ang mga reaksyon at hinaning ng mga residente dahil masasakop umano ang mga kabahayan nito sa gagawing konstruksyon sa nasabing gusali.
Mababatid na tinatayang aabot sa P500 Million ang gagastusin sa pagpapatayo ng Iconic Capitol Building bilang proyekto ng Provincial Government ng nasabing probinsya.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.