BOMBO NAGA- Nagkaroon muli ng komosyon sa Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Sur matapos tanggalin na ng mga tauhan ni Vice Governor Imelda Papin ang umano’y mga illegally installed CCTV cameras sa naturang opisina.
Una rito, nagkaroon rin ng kaguluhan nang ikabit ang nasabing mga cameras kung saan napabalita pang nanapak ng security personnel si 2nd District Representative Congressman L-Ray Villafuerte.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Naga sa bise gobernador, sinabi nito na kahapon nang tuluyan na nitong ipatanggal sa kaniyang mga staff ang mga CCTV cameras.
Ngunit ayon kay Papin, 22 lamang sa 24 mga cameras ang nagawang maalis dahil biglang dumating ang mga miyembero ng CSU at pinigilan ang mga staff sa tangkang pag-alis sa mga cameras.
Katwiran umano ng mga CSU, kailangan nila ito para sa blotter report.
Gayunpaman, nang tanungin umano ang pagkakakilanlan ng nasabing grupo, wala itong maipakita.
Dahil dito, minabuti na lamang umalis ng mga staff ni Papin nang dumami pa ang miyembro ng CSU sa lugar.
Sa kabila nito, tugon pa ni Papin na subject for blotter na ang mga na-install na cameras.
Patuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.