NAGA CITY- Sumiklab ang sunog sa isang Warehouse sa Zone 2, Fausto Drive, Brgy. San Felipe, Naga City ngayong araw.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na nagmula ang sunog sa bakery area ng nasabing establishment dahil sa gas leaks mula sa unlocked LPG breaker.

Dahil sa insidente, nagtamo ng minor injury ang isang service crew na kinilalang si Paul Erickson Dela Cerna, 21-anyos, residente ng Urban Poor, Brgy Pacol, sa nasabing lungsod na kaagad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang kabuuang halaga ng iniwang pinsala ng nabanggit na sunog.