Napatay ng mga otoridad ang suspek matapos ang insidente ng pamamaril sa Temple Israel, isang synagogue sa West Bloomfield Township, Michigan, na naglalaman din ng paaralan, ayon sa mga lokal na awtoridad.
Nakatanggap ng tawag ang mga otoridad tungkol sa isang active shooting sa nasabing lugar. Agad na rumesponde ang mga security ng Temple Israel at nakipagpalitan ng putok sa suspek, ngunit wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.
Pinadoble ni Gretchen Whitmer ang seguridad sa synagogue bilang hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng mga parokyano at mag-aaral.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa likod ng pamamaril.
Advertisement
Advertisement














