NAGA CITY- Patay ang isang suspek matapos mauwi sa armed confrontation ang sana’y pagsisilbi lamang ng warant of arrest sa Barangay Bagong Silang, Tagkawayan, Quezon.
Kinilala ang suspek na si Carlito Apigo.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), nabatid na habang isinisilbi ang warrant of arrest ng mga awtoridad laban sa suspek para sa kasong murder nang bigla umano itong bumunot ng baril gayundin ang kasama nito na kinilala namang si Junard Fajardo Enclona.
Dahil dito, nagkaroon ng palitan ng putok ang dalawang panig dahilan para magtamo ng tama ng bala ng baril si Enclona habang nakatakas naman ang sana’y aarestuhin na suspek na si Apigo.
Dinala pa sana sa ospital si Enclona ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang isinasagawa naman ang hot pursuit operation laban sa nasabing suspek.