NAGA CITY- Nanawagan ngayon ang mga Bicol Riders sa mga taong patuloy na nagpapa-abot ng tulong sa mga biktima ng Taal Eruption na huwag nang damit ang mga ipadala bagkus mga pagkain at pangunahing pangangailangan na lamang.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Vince Villar miyembro ng Bicol Riders, sinabi nitong sa dami ng mga natanggap na damit ng mga evacuees, mas makabubuting pagkain, inuming tubig, at hygiene kits na lamang ang ipadala.
Aniya, kitang-kita nila ang hirap ng sitwasyon ng mga evacuees kung saan labis ang pangangailangan ng mga ito sa ngayon.
Kung maaalala, kamakailan lamang ng maglipana sa social media ang larawan ng mga evacuees na suot ang mga damit mula sa mga relief na napagkatuwaan na lamang ng mga ito.