NAGA CITY- patay ang tatlong professor matapos mabangga ng isang jeep sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ang mga ito na sila Rosie Dulay, 62-anyos residente ng Brgy. Poblacion, Sampaloc sa nasabing bayan; Salvo Salvacion, 30-anyos, residente ng Adelina Subd., Brgy.Lagalag, Tiaong, Quezon; at Cheryl Bundalian, 27-anyos residente ng Dolores, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon kan Bombo Radyo Naga, sa Quezon Provincial Police Office, napag-alaman na habang binabaybay ng suspek na kinilalang si Zaldy Patulot Mosquera, 63-anyos residente ng Purok 1, Brgy. Soledad, San Pablo City, Laguna ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy., Lagalag sa bayan ng Tiaong gamit ang kaniyan Jeep ng aksidente nitong mabangga ang mga nasabing biktima na tumatawid sa nasabing kalsada.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad napag-alaman pa na agad namang dinala sa ospital ang mga biktima ngunit, ideniklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon ay nasa kostodiya na ng mga otoridad ang suspek at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide.