Naghain ang singer na si Taylor Swift sa United States Intellectual Property Office upang ipa-trademark ang kanyang boses, bilang proteksyon laban sa pagdami ng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa industriya ng musika.

Isinumite ni Swift sa United States Patent and Trademark Office (USPTO) ang dalawang sound recordings na may layuning i-secure ang kanyang vocal identity laban sa hindi awtorisadong paggamit.

Ang bawat recording ay nagsisimula sa linyang “Hey, it’s Taylor” at ginamit din sa anunsiyo ng kanyang album na “The Life of a Showgirl,” na inilabas noong Oktubre.

Layunin ng hakbang na ito na maprotektahan ang kanyang boses laban sa posibleng pang-aabuso ng AI technology na kayang kumopya ng tinig ng mga artista.

Advertisement

Nauna rito, naghain din ng kahalintulad na trademark ang aktor na si Matthew McConaughey upang protektahan ang kanyang boses mula sa hindi awtorisadong paggamit ng AI models.

Advertisement