Patay ang isang topdown driver habang sugatan naman ang pasahero nito matapos ang karambolan ng mga sasakyan sa Maharlika Highway, Zone Estacion, Brgy. Agdangan, Baao, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Steward Jodavar, residente ng Brgy. Portico, Bula, Camarines Sur.Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa proseso nang pag-overtake ang naturang tricycle ng aksidente itong makabangga sa kalubong nitong closed van truck na pinagmamaneho ng hindi pa nakikilalang driver.

Dumeritso pa ito at muling bumangga sa isa pang kasalubong na pick up na pinagmamaneho rin ni Jerry Alden, residente ng Brgy. San Isidro, Pili, Camarines Sur.

Dahil sa impact muling tumilapon pabalik sa sariling linya ang topdown at nabangga naman nito ang kasunod na Suzuki Ertiga na pinagmamaneho rin ni Patrick Badang Noel, residente ng Mandaluyong City.

Dahil sa pangyayari nalaglag sa kalsada si Jodavar na nagtamo ng malalang sugat sa kaniyang katawan na nagin rason ng kaniyang pagkamatay.

Agad naman dinala sa hospital ang pasahero nito na nagtamo rin ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Samantala, agad namang tumakaw ang driver ng nasabing closed van truck habang ang driver ng pick up at Suzuki Ertiga ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.