Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok Pamantasan, Brgy Ibabang Dupay, Lucena City.
Kinilala ang suspek na si Alyas Inad, 38-anyos, isang tricycle driver at resident ng Purok Pag-Asa Brgy Ibabang Dupay Lucena City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakabili sa suspek ang poseur-buyer ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang ilegal na shabu gamit ang P1,000 bilang buy-bust money.
Sa preventive search, ng mga awtoridad, narekober pa sa suspek an isang belt bag na naglalaman ng dalawang piraso at isang knot
tied ng heat-sealed transparent plastic sachet ng ipinagbabawal na gamot.
Ang mga nakumpiskang items ay mayroong bigat na humigit-kumulang 76 grams at nagkakahalagang Php 1,550,400.
Samantala, ang naturang suspek ay itunuturing na high-value drug suspect.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.