Arestado ang isang tricycle driver sa Camarines Norte matapos mahulihan ng 85 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱578,000 sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsamang puwersa ng Police Regional Office 5 (PRO5), PPDEU, Mercedes MPS ng Camarines Norte PPO, Regional Drug Enforcement Unit 5 (RDEU5), at PDEA ROV. Ang suspek na may alyas na “Ton,” residente ng Brgy. Magang, Daet, Camarines Norte, ay agad nadakip.

Nakumpiska sa operasyon ang anim na transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 85 gramo, tinatayang nagkakahalaga ng ₱578,000.

Dinala agad ang suspek at ang nakumpiskang ebidensya sa Mercedes MPS para sa dokumentasyon, imbentaryo, at tamang disposisyon alinsunod sa legal na proseso. Kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Advertisement
Advertisement