Ikinatuwa at pinuri ni dating US President Donald Trump ang Supreme Court dahil sa pagpapalabas ng ruling sa presidential immunity nito.
Tinawag pa ng dating pangulo na ang desisyon na ito ay isang panalo sa konstitusyon at demokrasya.
Maging ang legal team ng dating Presidente ay tinawag ang desisyon na ito bilang “major victory” dahil anumang pakikipag-ugnayan sa pangulo at Vice President maging sa Department of Justice ikinokonsiderang opisyal.
Balak din nilang hilingin sa korte suprema na ipatupad ang ruling sa kinakaharap ni Trump na classified documents case.
Magugunitang naglabas ng ruling ang US Supreme Court ukol sa partial immunity ni Trump sa reklamong panghihikayat na baligtarin ang resulta ng 2020 election na pumabor ito dapat sa kaniya at hindi kay US President Joe Biden.
Ayon pa sa US Supreme Court na mayroong absolute immunity si dating US President Donald Trump sa official acts pero hindi lahat ay opisyal.
Ayon kay Chief Justice John Roberts na nasa ilalim ng constitutional structure ng separated powers.
Nakasaad dito na ang presidential power ay nangangailangan na ang dating pangulo ay may immunity mula sa criminal prosecution dahil sa official acts ng kaniyang tenure sa opisinal.
Bilang respeto umano sa exercise ng core constitutional powers ay ang immunity ay dapat maging absolute.