U.S. President Donald Trump takes questions from media at a press briefing at the White House, following a shooting incident during the annual White House Correspondents’ Association dinner, in Washington, D.C., U.S., April 25, 2026. REUTERS/Jonathan Ernst REFILE - ADDING LOCATION, DATE AND BYLINE

Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump ang tatlong araw na ceasefire sa pagitan ng Russia at Ukraine mula Mayo 9 hanggang Mayo 11 bilang paggunita sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig para sa Russia, kabilang ang pansamantalang pagtigil ng opensibang operasyon at pagpapalitan ng mga bilanggo.

Sa kanyang post, sinabi ni Trump na saklaw ng kasunduan ang pansamantalang paghinto ng lahat ng opensibang military operations at pagpapalitan ng tig-1,000 bilanggo mula sa magkabilang panig.

“Hopefully, it is the beginning of the end of a very long, deadly, and hard fought war,” ani Trump.

Ayon pa sa dating U.S. president, bahagi ito ng mga umiigting na usapan para sa temporary ceasefire kasunod ng kanyang pakikipag-usap kay Russian President Vladimir Putin noong Abril 29.

Advertisement

Kasabay nito, nagdeklara rin ang Russia ng sarili nitong ceasefire mula Mayo 8 hanggang Mayo 9 bilang paggunita sa tagumpay ng Soviet Union laban sa Nazi Germany noong World War II.

Samantala, iminungkahi ng Ukraine ang isang open-ended ceasefire na nagsimula noong Martes at nanawagan sa Russia na sumunod dito.

Dumating na rin sa Miami ang pangunahing negotiator ng Ukraine na si Rustem Umerov para sa serye ng mga pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng Estados Unidos.

Gayunman, nananatiling hindi pa rin nagkakasundo ang Russia at Ukraine, lalo na sa usapin ng Donetsk region, habang patuloy ang mga paratang ng magkabilang panig hinggil sa umano’y paglabag sa naunang ceasefire agreements.

Advertisement