Posibleng dumalo si US President Donald Trump sa gagawing pirmahan ng peace agreement sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na isasagawa sa Geneva, Switzerland.
Ayon kay Trump, hindi niya inaalis ang posibilidad na personal siyang dumalo sa naturang seremonya, na itinuturing niyang isang mahalagang kaganapan.
Giit ng US president, ang memorandum of understanding ay isang pambihirang dokumento na kabilang sa mahahalagang kasunduang nilalagdaan ng isang pangulo.
Samantala, tiyak namang inaasahang dadalo sa pirmahan si US Vice President JD Vance.
Advertisement
Nauna nang sinabi ni Iranian Foreign Ministry spokesman Esmaeil Baghaei na kinokonsidera ang pagdalo ng mga pangulo ng Estados Unidos at Iran sa seremonya na nakatakdang idaos sa Biyernes.
Advertisement














