U.S. President Donald Trump takes questions from media at a press briefing at the White House, following a shooting incident during the annual White House Correspondents’ Association dinner, in Washington, D.C., U.S., April 25, 2026. REUTERS/Jonathan Ernst REFILE - ADDING LOCATION, DATE AND BYLINE

Tinanggihan ni US Pres. Donald Trump ang tugon ng Iran sa panukalang peace talks ng Estados Unidos, na nagpalamig sa pag-asa para sa agarang pagtatapos ng 10-linggong kaguluhan sa Middle East.

Ayon kay Trump, “I don’t like it — TOTALLY UNACCEPTABLE,” sa kanyang post sa social media platform na Truth Social, matapos ilabas ng Iran ang kanilang panukala na nakatuon sa pagwawakas ng digmaan sa iba’t ibang larangan, kabilang ang Lebanon at seguridad sa Strait of Hormuz.

Dahil dito, tumaas ng $3 kada bariles ang presyo ng langis kasunod ng kabiguan ng US at Iran na magkasundo sa unang yugto ng usapang pangkapayapaan.

Sa panukala ng Iran, iginiit nito ang pagtatapos ng mga opensiba, pag-alis ng mga sanction, at paggarantiya ng kaligtasan ng shipping sa Strait of Hormuz, na mahalagang ruta ng pandaigdigang suplay ng langis.

Advertisement

Samantala, iniulat na ang Estados Unidos ay nagpanukala rin ng agarang ceasefire bago ang mas malalim na negosasyon hinggil sa nuclear program ng Iran.

Ayon sa mga ulat, ipinadala ng Pakistan ang tugon ng Iran sa Estados Unidos bilang bahagi ng mediating efforts.

Patuloy naman ang tensyon sa rehiyon matapos makapagtala ng mga drone activity sa ilang Gulf countries, habang nananatiling kritikal ang sitwasyon sa maritime security sa rehiyon.

Iginiit ni Iranian President Masoud Pezeshkian na hindi kailanman yuyuko ang Iran at ipaglalaban nito ang kanilang pambansang interes.

Sa panig ng Israel, sinabi ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi pa tapos ang operasyon dahil kailangan pa umanong tugunan ang nuclear program at missile capabilities ng Iran.

Habang tumitindi ang tensyon, nananatiling nasa ilalim ng pressure ang administrasyong Trump upang tapusin ang alitan na nagdulot ng krisis sa pandaigdigang presyo ng enerhiya at banta sa ekonomiya ng mundo.

Advertisement