Tumaas ng 9.5 % ang kabuuang pautang mula sa mga universal at commercial banks (U/KBs) nitong Pebrero 2026, mas mataas kumpara sa 9.3 % noong Enero, ayon sa paunang datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Matapos i-adjust para sa seasonal fluctuations, lumago rin ng 0.8 % buwan-buwan ang outstanding loans sa parehong panahon.

Ang mga pautang sa mga residente ng bansa ay tumaas ng 10.1 % mula sa 9.9 % noong nakaraang buwan, samantalang ang loans para sa mga non-residents ay bumaba ng 13.2 % , mas malaki kaysa sa 10.4 % pagbaba noong Enero.

Sa sektor ng negosyo, lumago ang loans para sa business activities ng 8.6 %, mula sa 8.2 % noong nakaraang buwan. Kabilang sa mga industriya na may malaking pagtaas sa lending ay:

  • Suplay ng kuryente, gas, steam, at air-conditioning (23.5%)
  • Real estate activities (9.0%)
  • Wholesale at retail trade, at repair ng motor vehicles at motorcycles (8.2%)
  • Transportasyon at storage (19.3%)
  • Water supply, sewerage, waste management, at remediation activities (26.0%)

Samantala, ang consumer loans sa mga residente ay lumago ng 20.8 %, bahagyang bumaba mula sa 21.3 %, dulot ng pagbagal ng credit card at motor vehicle loans.

Advertisement

Ayon sa BSP, mahalaga ang bank loans bilang transmission channel ng monetary policy. Titiyakin ng bangko na ang domestic liquidity at lending conditions ay mananatiling naaayon sa kanilang price at financial stability mandates sa mga susunod na buwan.

Advertisement