None

Pinababa sa puwesto ni U.S. Defense Secretary Pete Hegseth si Gen. Randy George bilang Chief of Staff ng U.S. Army, epektibo agad, sa kabila ng karaniwang apat na taong termino sa posisyong ito.

Ayon sa Pentagon spokesperson na si Sean Parnell, si Gen. Randy George, na itinalaga noong 2023 ni dating Pangulong Joe Biden, ay nagretiro bilang ika-41 Army Chief. Si George ay isang career military officer na lumahok sa Gulf War at sa mga operasyon sa Iraq at Afghanistan.

Hindi agad ipinaliwanag ng Pentagon ang dahilan ng kanyang pagpapatalsik, ngunit sinabi ng isang opisyal na ito ay bahagi ng pagpapalit ng liderato sa hanay ng militar sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump.

Papapalitan si George ni Gen. Christopher LaNeve bilang acting Army Chief of Staff. Inilarawan ang bagong pinuno bilang “battle-tested leader” na pinagkakatiwalaan ng kasalukuyang administrasyon.

Advertisement

Ang hakbang na ito ay kasunod ng pahayag ni Trump na posibleng magtapos na sa lalong madaling panahon ang tensyon sa pagitan ng U.S., Israel, at Iran. Simula nang maupo si Hegseth sa Pentagon, iniulat na higit isang dosenang matataas na opisyal ng militar ang tinanggal, kabilang ang pinuno ng Navy at Vice Chief of Staff ng Air Force, bilang bahagi ng malawakang pagsasaayos sa sandatahang lakas ng Estados Unidos.

Advertisement