Natapos ang dalawang araw na summit sa pagitan nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping na tumalakay sa seguridad, kalakalan, at ilang pandaigdigang isyu.

Dumalo si Trump kasama ang ilang opisyal ng Estados Unidos sa pagpupulong na naglalayong palakasin pa ang ugnayan ng Washington at Beijing.

Kabilang sa mga tinalakay ng dalawang lider ang usapin sa kalakalan at seguridad, gayundin ang umiinit na sitwasyon sa Iran at ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Ayon sa ulat, ito ang kauna-unahang malawakang pagpupulong nina Trump at Xi sa mga nakalipas na taon, kasunod ng huling pagbisita ng US President sa China noong 2017.

Advertisement

Sinabi ni Trump na may ilang isyung kanilang naresolba na hindi umano nagawa ng mga nakaraang lider, at mas tumibay pa ang relasyon ng dalawang bansa matapos ang summit.

Matatandaang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng US at China matapos magpatupad ang Washington ng mataas na taripa sa mga produktong galing China, na naging sanhi ng paglala ng kanilang trade relations sa mga nakaraang taon.

Advertisement