Pumalo na sa P18.13 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Enero 2026, ayon sa pinakahuling datos ng Bureau of the Treasury (BTr).
Mas mataas ito ng 11.2% kumpara sa P16.31 trillion na naitala noong Enero 2025. Lumampas din ito sa dating record-high na P17.71 trillion na utang ng pamahalaan noong Disyembre 2025.
Ibig sabihin, nadagdagan ng P426.15 bilyon ang utang ng bansa sa unang buwan pa lamang ng 2026.
Sa kabila nito, tiniyak ng BTr na nananatiling “sustainable” ang kasalukuyang antas ng utang ng bansa kahit may mga hamon sa domestic at global economic landscape.
Advertisement
Hindi pa rin anila naaabot ang full-year borrowing program ng administrasyon na nakatakdang umabot sa P19.06 trillion.
Advertisement











