Nakatakdang magsagawa ng state visit sa Pilipinas si Vietnamese President Tô Lâm mula Mayo 31 hanggang Hunyo 1 upang palakasin pa ang ugnayan ng Vietnam at Pilipinas.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), kabilang sa tatalakayin sa bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at President Tô Lâm ang trade, investment, food security, at defense cooperation.
Ito ang kauna-unahang state visit ni Tô Lâm sa Pilipinas mula nang maupo siya bilang pangulo ng Vietnam.
Matatandaang nagsimula ang diplomatic relations ng Pilipinas at Vietnam noong Hulyo 12, 1976.
Advertisement
Noong Nobyembre 17, 2015 naman ay pinagtibay ng dalawang bansa ang kanilang strategic partnership bilang bahagi ng pagpapalalim ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Advertisement














