Alam ba ninyo mga ka-bombo, isang grupo ng mga researchers ang kinilala ang Vieux Boulogne bilang pinakamabahong cheese sa buong mundo.
Dalawang dekada na ang nakakalipas, ang mga scientists mula sa Cranfield University North ng London, ginamit at tenesting ang 15 sa mga kilala bilang world’s stinkiest cheeses upang malaman kung alin sa mga ito ang mayroong pinakamabahong amoy.
Gumamit sila ng computer-linked ‘electronic nose’ upang i-rank ang amoy ng nasabing mga cheese.
Batay sa resulta ang Vieux Boulogne ang pinakamabaho sa 15 cheese na ginamit.