NAGA CITY- Dumating na si Vice President Leni Robredo kasama ang kanyang panganay na anak na si Aika Robredo para sa unang uraw ng burol ng kanyang namayapang ina sa lungsod ng Naga.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na nakatakdang isagawa ang isang banal na misa ngayong gabi sa Eternal Chapels and Mortuary, Eternal Gardens sa Balatas Road sa nasabing lungsod kung saan nakaburol ang namayapang dating Dean na si Salvacion “Sally” Gerona.

Maliban dito, bukas na rin para sa publiko ang nasabing burol subalit ipinagbabawal naman ang pagkuha ng larawan at ang presensya ng media.

Sa ngayon, wala pang pinal na anunsyo kung kailan ang libing ni Gerona.

Samantala, nabatid naman na presente ang ilang malalapit na kaibigan ng pamilya Robredo sa nasabing burol.