NAGA CITY – Personal na binisita ni Vice President Leni Robredo kasama si Mayor Madelaine Yorobe Alfelor ang tatlong Vaccinations Sites ng IrigaVax Express.

Mababatid na ang layunin ng nasabing programa mula sa bise Presidente ang mabakunahan ang nasa 5,000 na mga Senior Citizens gamit ang Janssen Vaccine.

Kaugnay nito, naging masaya naman umano si Robredo dahil lahat ng mga Department Heads ang nasa vaccination sites at nagsusupervise ng lahat ng mga dapat na gawin.

Samantala, sa social media post, nagpasalamat naman si Robredo kay Alfelor maging sa buong lokal na pamahalaan ng Iriga lalo na sa nasa 87 doktor, at 108 na mga nurses na nag-volunteer sa nasabing programa.