Wala pang kumpirmasyon kung dadalo si Vice President Sara Duterte sa impeachment hearing bukas, ayon sa House Committee on Justice, bagaman umaasa ang komite na gagamitin niya ang pagkakataong ipagtanggol ang sarili laban sa mga alegasyon.

Ayon kay Committee Chair Gerville Luistro, ang desisyon ng bise presidente ay nasa kanya, at kung hindi siya dadalo, maaring maulit ang sitwasyon noong deliberasyon sa sufficiency in grounds noong Marso 18, na posibleng maka-disadvantage sa kanya. Idinagdag niya na ang direktang pagtatanong at cross-examination ay eksklusibo lamang sa mga miyembro ng komite, at limitado sa pagtulong ang mga abogado ng partido.

Kung hindi man dumalo sa hearing proper bukas, maaari pa rin siyang makilahok sa iba pang sesyon sa Abril, at patuloy padadalhan ng imbitasyon ng komite hanggang sa matapos ang buong proseso.

Sa kabila ng hinaing ni Navotas Rep. Toby Tiangco na pabilisin ang impeachment upang makapagpokus sa Middle East crisis, tiniyak ni Luistro na ang komite ay “committed not to cause any delay” ngunit hindi lilikha ng paglabag sa mga patakaran ng impeachment.

Advertisement
Advertisement