Ipinauubaya na ni Vice President Sara Duterte sa kanyang mga abogado ang paghawak sa impeachment case laban sa kanya matapos siyang tuluyang ma-impeach ng Kamara noong Mayo 11.
Ayon sa Bise Presidente, mayroon siyang defense team at tagapagsalita para sa usapin kaya’t ang mga ito na ang magkokomento sa impeachment na aniya ay isang legal na proseso.
Sa isang panayam sa The Hague, Netherlands, nang tanungin siya tungkol sa kanyang nararamdaman matapos ang impeachment, sinabi ni Duterte na “wala siyang feelings” kaugnay ng isyu.
Nauna nang pahayag ng kanyang mga abogado na handa silang depensahan ang Pangalawang Pangulo sakaling umusad sa Senado ang impeachment trial.
Advertisement
Advertisement














