Nagpahayag ng pagpupugay si Vice President Sara Duterte sa Philippine Navy sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo nito, kung saan kinilala niya ang mahalagang papel ng hukbong dagat sa pagprotekta sa soberanya at teritoryong pandagat ng bansa.
Sa isang video message, binigyang-diin ni Duterte na ang Philippine Navy ang nagsisilbing “first line of defense” sa gitna ng patuloy na mga hamon sa karagatan.
Aniya, mahalaga ang tungkulin ng Navy sa pagtiyak ng kinabukasan ng susunod na henerasyon at sa pagpapanatili ng isang bansang malaya, matatag, at payapa.
Hinimok din niya ang mga kawal na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin at sa Saligang Batas sa kabila ng mga pagsubok sa dagat, at iginiit ang panawagang ipagtanggol ang “what is rightfully ours.”














