Nagtungo sa Senado si Vice President Sara Duterte nitong Martes upang makipagpulong sa kaniyang defense team, ayon sa kaniyang defense spokesperson na si Atty. Michael Poa.
Ayon kay Poa, nakipagpulong lamang ang bise presidente sa kaniyang mga abogado at hindi siya dumalo sa impeachment hearing. Aniya, mayroon ding iba pang mahahalagang nakatakdang gawain si Duterte kaya naglaan muna ito ng oras para sa kanilang legal na paghahanda.
Sa maikling pahayag ng bise presidente, sinabi niyang bagama’t inaasahan niyang magiging “madugo” ang laban at makararanas siya ng matinding pag-atake, hindi siya susuko.
Matatandaang nagsimula noong Lunes ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado
Advertisement
Advertisement














