Bigong maipasa ng U.S. House of Representatives ang Democratic-led resolution na maglilimita sana sa military operations sa Iran nang hindi muna kumukuha ng pahintulot mula sa Kongreso, matapos magtabla ang boto na 212-212.
Layunin ng panukala na pigilan ang administrasyon ni U.S. President Donald Trump sa pagsasagawa ng military operations sa Iran nang walang pahintulot ng Kongreso.
Gayunman, dahil sa simple majority requirement, hindi ito pumasa sa kabila ng dikit na resulta ng botohan.
Ito na ang ikatlong pagkakataon ngayong taon na sinubukang harangin ng mga mambabatas ang operasyon ng militar sa Iran, kasunod ng naunang isyu na may kaugnayan sa 60-araw na deadline noong Mayo 1.
Nauna nang idineklara ni Trump na ang ceasefire ay “terminated” na sa kasalukuyang tensyon o digmaan sa Iran.
Samantala, sa Senado, na-block din ang katulad na war powers resolution sa botong 50-49 noong Miyerkules, kung saan tatlong Republicans ang sumuporta kasama ang karamihan ng Democrats, maliban sa iisang miyembro ng partido.














