NAGA CITY- Ipinagpaliban muna ngayong araw ang weekly press conference na isinasagawa ng alkalde ng Naga City.
Sa impormasyon na inilabas ni Mayor Nelson Legacion, napag-alaman na ito ay upang mabigayng-daan ang isasagawang Antibody Test sa lahat ng city hall employees.
Ayon pa dito, ito rin ay upang masiguro ang kanilang kaligtasan gayundin ng mga kliyente na kanilang pinagsisilbihan.
Kaugnay nito ang mga opisinang sangkot sa naturang rapid testing at ang estimated time ng pagpatuloy ng kanilang operasyon.
Dahil dito, mayroong mga opisina na makakabalik ang operasyon ala 1:30 ng hapon, ngunit mayroon naman na makakabalik lamang sa operasyon matapos na maisailalim sa rapid test ang mga tauhan nito.
Sa ngayon, panawagan ng alkalde na huwag munang pumunta ng City Hall sa mga oras na isinasagawa ang rapid testing.
Sapagakat prayoridad dito ang kaligtasan ng bawat isa kaya ipinatutupad ang mga kinakailangan na mga precautionary measures.