Pasok sa finals ng horizontal bar ang batang gymnast na si Karl Eldrew Yulo sa ginaganap na FIG Artistic Gymnastics World Cup sa Croatia.
Nakuha ni Yulo ang puwesto sa finals matapos umiskor ng 13.733 puntos, na naglagay sa kanya sa ika-pitong pwesto sa qualification round ng naturang apparatus noong Biyernes.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na umabot siya sa finals sa Croatia leg, matapos din siyang makapasok sa floor exercise finals.
Nakatakdang ganapin ang floor exercise finals ngayong Sabado, habang isasagawa naman ang horizontal bar finals sa Linggo.
Advertisement
Patuloy ang pag-angat ng performance ni Yulo sa international stage, na nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas sa larangan ng gymnastics.
Advertisement














