Walang hawak na Portuguese passport si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, ayon sa isang source mula sa embahada ng Portugal sa Czech Republic.

Ayon sa source, sinuri ang registry ng mga mamamayan ng Portugal at database ng mga may citizen cards o pasaporte, ngunit wala umanong “Elizaldy Co” na lumalabas sa kanilang citizens’ registry.

“There is no ‘Elizaldy Co’ in our citizens’ registry,” ayon sa source sa panayam.

Sa kabila nito, ipinaliwanag na ang mga Portuguese national ay maaari pa ring mapanatili ang kanilang citizenship kahit walang aktwal na pasaporte, lalo na kung nasa proseso pa ng aplikasyon o naghihintay ng citizen card, dahilan kung bakit maaaring hindi agad lumabas ang pangalan sa registry.

Advertisement

Ayon pa sa Portuguese Embassy sa Prague, hindi na rin sila nagbibigay ng “golden visas,” kaugnay sa mga ulat na may ganitong uri umano ng residency status si Co.

Wala pang pahayag si Co o ang kanyang kampo kaugnay sa ulat.

Advertisement