NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang japanese national sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Shigiro Sakuma, 65-anyos, residente ng De Gala Street, Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon kan Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nakita na lamang ng isang Rico De Mesa Rosales, 38-anyos, residente ng nasabing lugar, ang katawan ni Sakuma na wala ng buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na wala namang aniyang senyales ng foul play ang pagkamatay ni Sakuma.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.