NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos manlaban sa mga otoridad sa isinagawang anti-illegal drug operations sa Concepcion Pequena, Naga City.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), kinilala ang suspek na si Karl Marc Perez residente ng nasabing lugar.

Narekober dito ang isang plastic ng pinaniniwalaang shabu, mga drug paraphernalias at isang caliber 38.

Agad namang isinugod sa ospital ang suspek subalit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.