NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin sa Brgy. Liwayway, Mauban, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Ralph Gerald Fontanilla, 22-anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na imporasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nagkakasihayan ang biktima kasama ang mga kaibigan nito nang bigla na lamang umanong dumating ang suspek na sina Rogelio Hanapin Ocampo Jr., 24-anyos, AJ Ocampo Barotilla, kasama ang dalwang hindi pa nakikilalang mga indibidwal at dito na nag-amok ng suntukan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na hindi naman ito pinansin ng grupo ng biktima ngunit nagpatuloy pa umano ang mga suspek sa kanilang balak.
Napag-alaman rin na sa gitna ng kaguluhan, bigla na lamang bumunot si Barotilla ng isang matalim na bagay at pinagsasaksak si Fontanilla sa kaliwang braso nito, agad naman na dinala sa ospital ang biktima para sa asistensya medikal.
Samantala, agad rin naman na naaresto si Ocampo matapos ang isinagawang operasyon ng mga otoridad.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Ocampo habang patuloy pang tinutugis ang dalawa pang nakatakas na mga suspetsado.