NAGA CITY – Patay ang isang driver matapos makabangga ang minamaneho nitong sasakyan sa isang poste sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na isang 12-anyos, mula sa Brgy. Concepcion Banahaw ng nabanggit na lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng daan mula sa Sitio Mangga pauwi sa kanilang bahay, nang aksidente itong makabangga sa isang poste.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.

Samantala, ito naman ang unang naitalang vehicular accident sa Barangay Concepcion Banahaw ngayong taon.