NAGA CITY – Pumalo na sa 11 ang kabuuang bilang ng kaso ng Covid-19 sa Bicol.

Ito’y matapos maitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) -Bicol ang isa na namang panibagong nagpositibo sa naturang sakit.

Ayon sa impormasyon ng DOH, napag-alaman na isang 49-anyos na babae na mula sa Albay ang bagong biktima ng nakakahawang sakit.

Napag-alaman din na naexpose sa isang positive COVID-19 case ang nasabing pasyente.

Sa ngayon, stable na rin naman umano ang kalagayan nito.

Samantala, tatlo naman mula sa 11 confirmed cases sa Bicol ang nakarecover na sa naturang virus na kinabibilangan nina PH 763, 48-anyos mula sa CamSur; PH 765, 50-anyos; at PH 2145, 63-anyos na mula naman sa lalawigan ng Albay.