NAGA CITY- Patay ang isa katao habang sugatan naman ang isang menor de edad matapos na pagbabarilin sa Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Manuel Magpantay, 42-anyos at isang 9-anyos na batang lalaki.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalakad ang mga biktima bigla na lamang itong pinagbabaril kan mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namang itinakbo sa ospital.

Ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor si Magpantay na nagtamo ng siyam na tama ng bala sa kaniyang katawan.

Sa ngayon, nagpapapagaling na rin ang 9-anyos na bata habang patuloy pa rin ang paghahanap sa suspek na agad namang tumakas matapos ang krimen.

Samantala, napag-alaman na dati na ring naaresto ang suspek dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Habang batay pa dito, ito rin ang suspek sa pagbaril-patay sa isang Police asset sa Lucena City taong 2018.