NAGA CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang driver ng motorsiklo sa nangyaring aksidente sa Maharlika Highway, Zone 4, Brgy.Balagbag, Milaor, Camarines Sur.

Kinilala ang namatay na si Rolando Octa habang sugatan naman ang motoristang si Jowell Nicerio.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga mula sa PNP- Milaor, nabatid na habang binabaybay ni Nicerio ang nasabing daan sakay ng motorsiklo mula sa lungsod ng Naga papuntang San Fernando Camarines Sur, nang aksidente nitong mabangga si Octa sa nasabing daan.

Kaugnay nito natumba ang sasakyan ni Nicerio at nagtamo naman ng sugat sa katawan si Octa at si Nicerio na agad namang itinakbo sa hospital ngunit ideneklara nang dead on arrival ang nasabing pedestrian.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.Top