NAGA CITY – Patay ang isang indibidwal habang tatlo naman ang sugatan matapos na makabangga sa puno ng acacia ang isang van sa Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Precy Bacayo, residente ng Santa Rosa, Laguna habang sugatan naman sina Mic Pascual, 59-anyos, residente ng Las Piñas City; Simplicia Olea, 62-anyos, residente naman ng Santa Rosa, Laguna; at Rosie Bacayo, 55-anyos, residente ng Imus, Cavite.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng van na minamaneho ng isang Fredes Bacayo, 57-anyos, residente ng Santa Rosa, Laguna ang southbound direction patungo sa lalawigan ng Samar, nang makabangga ito sa puno ng Acacia.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang sa bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad naman na dinala sa ospital. Ngunit ideklara rin na dead-on-arrival si Precy ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.