NAGA CITY- Patay ang isang driver habang sugatan naman ang walong iba pa matapos ang salpukan ng dalawang kotse sa Barangay Lalig, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang namatay na si Jerson Recolaso, 45-anyos at ang mga nasugatan na sina Letty Bandales, 49-anyos; Danilo Bandales Jr., 29-anyos; Shiela Napay, 27-anyos; Dexter Bandales, 27-anyos; Cathlyn Salen, 26-anyos; Hazel Bandales, 24-anyos; Angela Matienzo, 22-anyos at isa pang menor de edad.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provinvicial Office, nabatid na habang binabaybay ni Recolaso ang kahabaan ng Maharlika highway gamit ang minamanehong kotse lulan ang walong indibidwal nang aksidente itong masalpok ng kotse na minamaneho naman ni Mitch Peoquid, 35 anyos.

Dahil sa salpukan, bumaliktad at nagpalutang-lutang ang sasakyan ng mga biktima dahilan.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan si Recolaso at ang mga sakay nito na kaagad naman na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal ngunit, ideniklara nang dead on arrival ng mga doktor si Recolaso.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.