NAGA CITY- Nanatili pa rin na lubog sa baha ang nasa 12 Barangay sa Bayan ng Camaligan, Camarines Sur dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Johanna Marie Estrella DRRM assistant in research planning, sinabi nito na halos buong barangay sa kanilang bayan ay lumubog sa baha.

Ngunit sa ngayon ay tanganing ang Barangay Santo Domingo pa lamang ang nakita nito na medyo nakakapaglinis na nang kanilang mga bahay.

May mga ilang insidente naman na naitala sa kanilang lugar ngunit ang iba dito ay walang kinalaman sa pananalasa ng nasabing bagyo.

Kaugnay nito, hinikayat ng opisyal ang kanyang mga kabarangay na huwag mawalan ng pag-asa lalo na ang mga residente na hanggang ngayon ay nanawagan ng tulong dahil ginagawa naman aniya nila ang lahat ng kanilang makakaya upang ipaabot ang tulong na kanilang kinakailangan.