NAGA CITY- Sugatan ang 13 katao matapos na mawalan ng kontrol ang isang jeep sa Buenavista, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sinda Felipa Jimenez, 63-anyos; Norberto Serrano, 54-anyos; Rosario Carandang, 50-anyos; Vicente Gella asin Evajoy Gella, 42-anyos; Mely Seguerra, 39-anyos; Liza Villar, 29-anyos; Rhea Bargo, 23-anyos; at apat na menor de edad.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ng jeep na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver ang direksyon papunta sa Barangay Poblacion ng nasabing lugar sakay ang 13 indibidwal nang ito ay mawalan ng kontol at dumiretso at tumagilid sa kanal.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa kanilang katawan ang mga biktima na agad naman na dinala sa ospital.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.