NAGA CITY- Halos nasa 18 empleyado ng Market Enterprise and Promotions Office (MEPO)- Naga City ang ipinasailalim sa quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang cashier ng naturang tanggapan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Market Supt. Mon Florendo, pinuno ng naturang opisina, sinabi nitong 18 silang mga empleyado an nakahalubilo ng kanilang cashier na si Bicol#369 na kalaunay ibinunyag ang kanyang pagkatao at kinilalang si Jude Rey.

Kaugnay nito, agad ding ipinasara ang naturang tanggapan para mapigilan ang pagkalat pa ng nasabing sakit.

Aminado naman si Florendo na apektado nito ang transaksyon at serbisyo ng kanilang opisina.