BOMBO NAGA- Patay ang dalawa katao habang sugatan naman ang isa pa sa salpukan ng isang armored van at motorsiklo sa Barangay Sta. Catalina Sur, Candelaria, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Rubert Esguerra, 29-anyos, driver ng motorisklo at ang dalawang angkas nito na sina Peter Benitez, 50-anyos at Mark Anthony Benitez, 27-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nawalan umano ng preno ang armored van na minamaneho ni Crisanto Ella, 45-anyos.

Dahil dito, nagpagiwang-giwang ang van hanggang sa kainin nito ang kabilang linya at masalpukan ang kasalubong nitong motorsiklo na minameneho ni Esguerra.

Dead-on-the-spot sa insidente sina Esguerra at Peter habang sugatan naman ang isa pang backrider nito na si Mark Anthony.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.