NAGA CITY – Sugatan ang tatlong indibidwal matapos pagsasaksakin ng nakainom na suspek sa Barangay Pamukid, San Fernando, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Anabel Justiania, 47-anyos; Gina Paradela, 42-anyos at Jenrick Paradela, 18-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ang suspek na si Ariel Paradela, 49-anyos ng kausapin nito si Anabel Justiniana at Gina.

Ngunit hindi nagtagal nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil sa dating away si Anabel at Ariel dahilan para bigla na lamang nitong saksakin sa beywang ang biktima.

Kaugnay nito, sugatan din sugatan din si Jenrick matapos ding saksakin ng suspek nang subukan nitong umawat sa naturang argumento.

Agad ding itinakbo sa ospital ang duwang biktima para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.