BOMBO NAGA- Sugatan ang tatlong katao matapos ang salpukan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Concepcion, Mauban, Quezon.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Jehus Zeter Ceniza, 18-anyos, driver ng motorsiklo at backrider nito na si Monique Pelejo, 18-anyos, at Aldin Morcoso, 53-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na tinatahak ng motorsiklo ni Ceniza papunta sa town proper nang aksidente nitong mabangga ng isa pang motorsiklo na minamaneho ni Morcoso.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing nag-overtake umano si Morcoso.

Sa lakas ng banggaan, lahat nagtamo ng mga sugat ang tatlong indibidwal.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.