Ligtas na nakauwi sa bansa ang 33 overseas Filipino workers (OFW) mula Dubai ngayong Biyernes, Marso 6, 2026, sa NAIA Terminal 3 sa Lungsod ng Pasay.

Dumating ang grupo sakay ng Emirates flight EK 336 at sinalubong ng isang government team sa pangunguna ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.

Nakakuha ang mga OFW ng iba’t ibang tulong, kabilang ang welfare support at paunang medikal na pangangalaga, bilang bahagi ng pamahalaan sa pagsigurong ligtas at maayos ang kanilang pagbabalik sa pamilya.

Advertisement