NAGA CITY- Sugatan ang apat na indibidwal habang maswerte namang hindi nasugatan ang pitong iba pa matapos mawalan ng kontrol ang isang van sa Pamplona, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Elsie Resyo-Rivera, 58-anyos; Kim Geramel Roco, 25-anyos; Rica Revas-Villanueva, 22-anyos at Agelita Alvarado Blanca, 19-anyos, residentes ng as, ALbay.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ng van na minamaneho ni Ricardo Lustado, 56-anyos, ang kalsada mula sa Cavite patungong Albay, bigla itong nag-overtake sa isa pang sasakyan.

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang driver sa nasabing behikulo dahilan upang mag-slide at tumagilid ang sasakyan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang apat na biktima na agad namang dinala sa ospital para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, patuloy pa ang inbestigasyon ng mga awtoridad.