Apatnapu’t anim na katao ang nagtamo ng pinsala matapos magbanggaan ang dalawang pampasaherong tren malapit sa pangunahing istasyon ng tren sa Prague, Czech Republic.

Nangyari ang insidente dakong alas-7 ng umaga, kung saan kabilang sa mga malubhang nasugatan ang dalawang train driver. Wala namang naitalang nasawi sa aksidente.

Agad na rumesponde ang mga rescue personnel upang ilikas ang mga pasahero at bigyan ng paunang lunas ang mga sugatan. Tumagal nang halos dalawang oras ang rescue operation.

Kabilang sa mga dinala sa ospital ang 16 na dayuhang pasahero.

Advertisement

Kinumpirma ng pulisya na natapos na ang pagsagip sa mga pasahero at nagpapatuloy na ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng banggaan.

Pansamantalang naapektuhan ang biyahe ng iba pang tren papasok at palabas ng kabisera, kaya pinayuhan ang mga pasahero na gumamit muna ng alternatibong ruta.

Advertisement