NAGA CITY- Dead on arrival an isang batang lalaki matapos malunod sa Sitio Aplaya Brgy Bignay 1, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na isang 7 taong gulang na batang lalaki at residente ng Sitio Sta, Clara Brgy Sampaloc 2 Sariaya, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na bago ang insidente kasama ng bata ang kaniyang mga pamilya na naliligo sa nasabing lugar, ayon naman sa naging kapahayagan ng kaniyang lola na si Josepina Desquitado. Ngunit, matapos aniya na kumain ay bumalik ang bata sa dagat at dito na ito nalunid. Agad naman sanang dinala sa ospital ang biktima ngunit ideniklarar rin itong dead on arrival ng doktor.

Sa ngayon ay paalala nalang ng mga otoridad na palaging bantayan ang mga bata lalo na kung nasa paligoan na lugar upang maiwasan an kahalintulad na pangyayari.